RENEWAL | Mga consumers ng PECO, dumulog sa Kamara na payagan silang makadalo sa pagdinig

Manila, Philippines – Nakiusap ang mga consumers ng Panay Electric Company (PECO) ngayon sa Kamara na payagan silang dumalo sa susunod na pagdinig ng House Committee on Legislative Franchise patungkol sa renewal ng naturang kumpanya.

Sa pagdulog sa Kamara ni Iloilo City Councilor Joshua Alim, isa sa mga mariing tumututol sa PECO, nais nilang makadalo sa susunod na pagdinig kung kinakailangan upang mailahad nila sa komite ang kanilang saloobin sa nasabing isyu.

Sa nakaraang pagdinig aniya ay tatlong minuto lamang ang ibinigay sa kanila ng komite para makapagsalita dahil hindi naman daw sila imbitado sa naturang pagdinig.


Ilalahad nila dito ang palpak na serbisyo, overbilling, unscheduled power outages, kawalang aksyon sa mga reklamo at mga nakatagilid at nakalabas na kable ng poste.

Isinumite din ng mga ito sa Kamara ang 30,000 na lumagda sa signature campaign petition laban sa PECO mula sa 60,000 na kabuuang bilang ng mga consumers.

Facebook Comments