Renewal ng franchise para sa operasyon ng TV at radio ng UP System, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa

Pinagtibay na sa ikatlo at huling pagbasa ang pagbibigay ng panibagong 25 taong prangkisa sa University of the Philippines (UP) System.

Sa botong 211 na sang-ayon at wala namang pagtutol ay nakalusot na sa huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 7616 kung saan binibigyan ng panibagong prangkisa ang UP System sa ilalim ng R.A. 8160.

Sa inaprubahang panukala, pinapayagan nang makapagtayo, makapagtatag, mag-maintain at makapag-operate ng telebisyon at radyo ang UP System para sa kanilang educational public service sa loob ng campus at sa iba pang lugar na sakop ng kanilang operasyon.


Inoobliga naman ang grantee sa ilalim ng probisyon ng panukala na ilaan ang 15% ng daily total airtime para sa pagbo-broadcast ng mga child-friendly shows na nakapaloob sa regular programming.

Mahigpit ding inaatasan ang grantee na sumunod sa itinatakda ng Constitution, statutes, at mga ipinapatupad na rules at regulations.

Facebook Comments