Renewal ng LTOPF, posible nang gawin online —PNP

Nais nang maging online ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang renewal ng License to Own and Possess Firearm o LTOPF.

Ayon kay Gen. Marbil, nais niyang gawing computerized o AI ang sistema at nakausap na nya hinggil dito ang Firearms and Explosives Office (FEO).

Mag-a-outsource aniya sila sa mga magbibigay ng neuro exam at drug test.


Minamadali na ito ni Marbil dahil nais niyang ilunsad ang AI sa kanilang sistema.

Sa pamamagitan nito maiiwasan din ang glitch sa kanilang system at mapapadali ang accounting ng mga nagmamay-ari ng baril.

Facebook Comments