Renewal ng mga Motor Vehicles sa Cotabato City , extended ayon sa LTO

29

Walang PENALTY para sa mga MOTORISTA na hindi pa rin nakakapag RENEW mula Cotabato City maging sa buong REGION 12 .


Kabilang rito ang mga may PLAKANG may ending 3,4,5,6, ayon pa kay LTO Cotabato Registration and Evaluation Officer Abdullah Abedin sa panayam ng DXMY RMN COTABATO.

Samantala kinumperma rin nito na walang Emmission Testing Center sa Cotabato City, maging sa MIDSAYAP at SHARIFF Aguak, pero meron pa naman sa ibang bayan ng North Cotabato at South Cotabato , maging sa Tacurong Sultan Kudarat at GenSan.

Sinasabing, nakansela o tuluyang naipasara ang mga Emmission Testing Center sa Cotabato City matapos makitaan ng mga anomaly o kontrobersiya.

Nilinaw rin nito na walang operasyon ang LTO sa Cotabato City simula ng may krisis sa Covid, ibig sabihin walang HULIHAN mula sa kanilang mga Enforcers.

Kaugnay nito, wala ring pagtaas sa singil sa Renewal ng mga vehicles dagdag pa ni Abedin.

Facebook Comments