Renewal ng PRC license, pinalawig!

100

Pinalawig pa ng Professional Regulation Commission (PRC) ang validity ng lahat ng Professional Identification Card na mag-e-expire sa kasagsagan ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Batay sa anunsyo ng PRC, sakop nito ang mga lugar na may umiiral na ECQ kasama ang buong Luzon, mga lugar sa Visayas at Mindanao na may umiiral ring ECQ.


Pero paalala ng PRC, sa oras na matapos na ang ECQ ay kailangang magsumite ng mga ito ng kanilang application online para sa renewal ng PIC sa loob ng 30 araw.

Ang mga may confirmed renewal appointments naman sa panahong umiiral ang ECQ ay agad na ia-accommodate sa oras na muling bumalik ang operasyon ng PRC o kapag natapos na ang ECQ.

Facebook Comments