Natapos na ang lahat ng renovations sa mga pasilidad sa Batasang Pambansa para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gaganapin sa Lunes, July 22.
Kabilang sa mga isinaayos ay ang People’s Center, North Lobby, South Lobby, entrance sa main building at ang bagong water refilling station.
Bunsod nito ay idinaos ang blessing ceremony sa nabanggit na mga bahagi ng sa Batasan Complex at kasama ring binasbasan ng holy water ang mga bagong shuttle bus ng Kamara.
Ang blessing ceremony ay pinangunahan ni Committee on Accounts Chairperson Representative Yedda Marie Romualdez at kanyang kasama sa Tingog Party-list na si Representative Jude Acidre.
Si Fr. Antonio “Tony” Labiao, na syang rector at parish priest ng Novaliches Cathedral of the Archdiocese of Novaliches ang nagsagawa ng pagbabasbas.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, nagkumpirma na ng pagdalo sa SONA ang nasa 2,000 inimbitahan at 47 ambassadors.