Renovation sa Metropolitan Theatre sa Maynila, natapos na

Inanunsyo ng National Commission on Culture and Arts o NCCA na natapos na ang renovation ng Metropolitan Theatre (MET) sa Maynila.

Mula sa 1,000-seating capacity, nasa 9,002 ang magiging seating capacity ng teatro at ang mga upuan ay katulad sa mga magaganda at modernong sinehan.

Inayos din ang mga silya ng theatre at naglagay ng magandang sound system at lighting system.


Ayon sa NCCA, may kakayahan na rin ang teatro na makapagpalabas ng pelikula dahil sa cinema system nito.

Magiging fully operational ang MET sa Disyembre ngayong taong ito pero depende pa rin sa magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Minsan na rin itong naging boxing arena, hotel at kanlugan ng street dwellers.

Ang nasabing teatro ay nabili ng NCCA sa Government Service Insurance System (GSIS) noong 2015.

Bukas, June 23, magkakaroon ng unang first door program sa teatro para sa awarding ng outstanding Manilans.

Facebook Comments