Manila, Philippines – Sinimulan na sampung buwang renovation at construction ng emergency room ng Philippine General Hospital o PGH.
Kasabay nito nanawagan si UP-PGH Coordinator for Public Affairs Dr. Jonas Del Rosario na hanggat maari sa ibang hospital na muna tumakbo.
Sa ngayon, ang ward 14 at 15 ang nagsisilbing pansamantalang ER kung saan doble kayod ang ER staff para mabilis na maasikaso ang mga pasyenteng dumadating.
Itinatag ang PGH, noon pang 1908 at huling sumailalim sa renovation noon pang 1992.
Facebook Comments