REOPEN | Cauayan Airport back to normal operations ngayong araw

Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na muling bubuksan sa publiko ngayong araw ang Cauayan Airport.

Ayon kay CAAP Director General Capt. Jim Sydiongco, layon nilang maserbisyuhan ang publiko ngayong Undas kung saan inaasahang dagsa ang mga pasahero.

Matatandaang nagtamo ng pinsala ang terminal building ng Cauayan Airport dahil sa pananalasa ng bagyong Rosita.


Napagdesisyunan kahapon sa meeting ng mga airline companies, Office of Transportation Security, CAAP at iba pang stakeholders na muling ibalik ang commercial operations ngayong araw dahil maganda na ang lagay ng panahon at dahil nakalabas na ng Pilipinas ang bagyong Rosita.

Kasunod nito sinabi din ng CAAP na sasailalim sa pagkukumpuni ang Passenger Terminal Building ng nasabing paliparan sa loob ng halos isang buwan.

Tiniyak naman ng CAAP na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang makapaghatid ng magandang serbisyo publiko.

Facebook Comments