Aklan – Higit 11,000 tao ang bumisita sa Boracay nitong Undas.
Bukod dito, sa datos ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ay nasa 14 turista ang pinagmulta dahil nahuling lumabag sa mga patakaran ng isla.
Ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat – nag-iisyu sila ng citation tickets sa mga violators.
Kapag hindi pa sila natuto sa kabila ng kanilang babala, hindi sila mag-aatubiling tanggalan sila ng accreditation.
Mula sa nabanggit na bilang, pito ang pinagmulta dahil sa paninigarilyo, talo sa pagkakalat at dalawa sa pag-iinom sa beach.
Dagdag pa ng kalihim – isa naman ang pinarusahan dahil sa pagsasagawa ng sandcastle habang ang isa ay sa pagmamaneho ng motorsiklo sa beach.
Umaasa ang DOT na makikibahagi ang mga turista sa pangangalaga ng kapaligiran ng isla.