Inilabas ng Department of Tourism (DOT) ang updated list ng mga establisyimento na maaring magbigay ng accommodations sa mga turista.
Sa datos ng DOT, aabot na sa 197 Boracay establishments ang maaring tumanggap ng bisita o kabuoang 8,277 na kwarto.
Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat – patuloy silang mag-a-accredit ng mga establisyimento na pumasa sa kanilang pamantayan.
Aniya, marami pang kwarto ang magiging available kasabay ng pagpapatuloy ng Phase 2 at 3 ng Boracay rehabilitation.
Hinimok din ng Boracay Interagency Task Force ang publiko na iwasan ang mga transaksyon sa mga establisyimento na wala pang clearance, permit o accreditation mula sa DOT, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG).