REOPEN | Water sports activities sa Boracay, umarangkada na

Aklan – Aarangkada na ngayong araw, November 3 ang ilang water sports activities sa Boracay.

Papayagan na ang mga turista na magasagawa ng mga sumusunod:
– Paraw sailing,
– Stand-up paddle
– Kite surfing

Sa November 7 naman ay pwede na ring gawin ang mga sumusunod:
– Diving
– Fly fish
– Para-sailing
– Banana boat
– Jet ski


Matatandaang pansamantalang ipinagbawal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasagawa ng water sports activities kasunod ng anim na buwang rehabilitasyon ng isla.

Samantala, binuksan na rin ng Boracay Inter-Agency Task Force ang Boracay Wetland Conservation Park at viewing deck bilang bagong destinasyon sa isla para sa mga turista.

Facebook Comments