Aklan – Pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang pagre-require sa mga turista ng Boracay na magkaroon ng access bracelets upang ma-monitor ang bilang ng mga bumubisita sa isla.
Ito ay alinsunod na rin sa pagtatalaga ng carrying capacity na 6,405 persons per day para sa muli nitong pagbubukas.
Sa kasalukuyan, ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, bagaman at may proposal na kaugnay sa access bracelets, hindi pa naman ito ii-implementa.
Aniya sakaling maipatupad, ang mga access bracelets ay makatutulong upang matiyak ang seguridad sa isla para sa kapakanan ng mga turista.
Matatandaan na anim na buwang sumailalim sa rehabilitasyon ang Boracay, kung saan muli itong bubuksan sa October 26.
Habang ang dry run at soft opening naman ay gaganapin sa October 16 to 25 kung saan ang mga residente ng Aklan lang muna ang papayagang makapasok.