REOPENING | Beach activities sa Boracay, lilimitahan

Aklan – Plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na limitahan ang mga aktibidad sa beach o tabing dagat sa isla ng Boracay.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, isa sa nakakadumi sa isla ang nagaganap na mga party, kasal at maging ang pagmamasahe.

Pero paglilinaw ni Cimatu, pag-uusapan pa nila muna itong mabuti bago ipatupad ang naturang plano.


Kasama rin aniya sa tatalakayin ang mga panukala na ipagbawal ang pagtatayo ng sand castle at performance ng fire dancers na nakasisira rin sa isla.

Facebook Comments