REOPENING | Bilang mga turistang makakapasok sa Boracay, lilimitahan na

Aklan – Lilimitahan na ang bilang ng mga turistang bibisita sa isla ng Boracay.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing, aabot lamang sa 55,000 indibidwal ang carrying capacity o kayang tanggapin ng isla.

36,000 rito ay mga residente habang 19,000 ay mga turista.


Malayo sa 40,000 hanggang 50,000 turistang dumadagsa tuwing Laboracay.

Ani Densing, hahatiin sa dalawang kategorya ang carrying capacity ng isla.

Sa oras na mailabas na ang opisyal na bilang ng carrying capacity, ito ang magiging basehan ng mga ipinatutupad na ordinansa.

Sa pinakabagong tala ng DILG, mula sa higit 400 hotel at resort sa isla, 73 pa lamang ang may permit to operate.

Nasa 25 accommodation establishments ang nasa listahan ng Department of Tourism (DOT) matapos itong makapasa sa Boracay inter-agency task force.

Posibleng magbukas ang mga ito sa dry run sa October 15 hanggang 25.

Layon ng dry run na suriin ang iba pang kailangan sa Boracay bago tuluyang buksan sa mga lokal at mga dayuhan turista sa October 26.

Facebook Comments