REOPENING | Bilang ng mga accredited na hotel sa Boracay, nadagdagan

Umabot na sa 285 na hotel & resort ang pinayagang makapag-operate sa isla ng Boracay.

Ito ay makaraang bigyan ng akreditasyon ng Boracay Inter-Agency Task Force ang karagdagan pang 6 na establisyemento para tumanggap ng bisita.

Sa ngayon, sa datos ng Department of Tourism (DOT) may kabuuang 10,076 na kwarto ang maaaring tumanggap ng bookings & reservations sa Boracay.


Noong mga nakalipas na buwan, nasa 279 lamang na hotel & resort ang maaaring tumanggap ng bisita.

Samantala, nagbabala ang DOT sa mga hindi accredited na hotel & resort sa isla na patuloy na tumatanggap ng bookings & reservation at naglalagay pa ng online promotions.

Paalala ng ahensya, kapag napatunayan maaaring tuluyang ipasara ang establisyemento at ipagharap ng reklamo ang may-ari.

Kung matatandaan, isinara sa loob ng anim na buwan simula noong Abril 26 hanggang Oktubre 26 taong kasalukuyan ang isla matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte upang bigyan-daan ang paglilinis at rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Facebook Comments