Aklan – Papalo na sa 115 establisyimento ang maaring magsimula na ng operasyon kasabay ng pagbubukas ng Boracay island sa publiko sa October 26.
Inilabas ng Department of Tourism (DOT) kagabi ang abiso tungkol sa listahan na pirmado ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Iginiit ni Puyat na hindi nila papayagang mag-operate ang mga establisyimento na hindi sumusunod sa patakaran ng gobyerno.
Ang mga negosyong tumalima at nabigyan ng permit ang maaring tumanggap ng booking at reservations sa isla.
Facebook Comments