Aklan – Kasunod nang muling pagdami ng mga turista sa Boracay Island, umabot na sa higit 200 ang bilang ng mga accredited na establishemento sa isla.
Sa pinakahuling datos ng Department of Tourism (DOT) 9,248 rooms mula sa 243 accredited establishments ang nabigyan nila ng permit para mag-operate.
Ang mga ito ang tanging nakasunod sa kanilang mga rekesitos para payagan nila muling tumanggap ng mga turista.
Paalala ng DOT sa mga bakasyunista, dapat aprubado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang isang establishemento bago sila mag-check in.
Sa kabila nito tiniyak ng ahensya na hanggang 6,405 lamang ang tourist arrivals kada araw upang hindi na muling mababoy o masalaula ang isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo.