REOPENING | Boracay bilang ‘sustainable tourism spot’, isusulong ng DOT

Manila, Philippines – Naniniwala si Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na posibleng hindi na ituturing na ‘party destination’ ang Boracay kapag muling binuksan ito.

Nabatid na kilala ang Boracay bilang sikat na party destination dahil sa mga annual events nito tulad ng Laboracay na ginagawa tuwing Mayo a-uno.

Sa halip, sinabi ni Puyat na isusulong ang isla bilang sustainable tourism spot.


Ayon sa kalihim, pag-uusapan ng Boracay interagency task force ang guidelines hinggil sa soft opening ng Boracay sa October 26.

Kabilang sa pag-uusapan ay ang posibleng paglilimita sa bilang ng mga turista na makakapasok sa Boracay base sa bubuoing carrying capacity.

Ang inter-agency task force ay binubuo ng DOT, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Facebook Comments