REOPENING | DENR, muling iginiit sa mga establisyimento sa Boracay ang pagtatayo ng sewerage treatment plants

Muling iginiit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang utos sa mga establisyimento sa Boracay na magtayo ng sewerage treatment plants.

Ito ay para matiyak na lahat ng maruming tubig ay dumaan sa treatment process bago ibalik sa dagat.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ang pagturing pa lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte na ‘cesspool’ sa Boracay ay nangangahulugan na ang tubig sa paligid ng isla ay hindi maganda ang kalidad.


Dagdag pa ng kalihim, titiyakin ng Boracay inter-agency task force na ipatutupad ng mahigpit ang sewage treatment plant requirement.

Aniya, ang kautusan ay magiging ‘non-negotiable’.

Ani Cimatu, ito ang magiging isa sa pangunahing requirements sa pagbubukas ng Boracay.

Facebook Comments