REOPENING | DENR, nagpalabas ng bagong access at transportation systems sa Boracay

Sa harap ng nakatakdang pagbubukas ng Boracay Island, magpapatupad ng bagong access at transportation systems ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa isang press conference, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na gagamit na ng tinatawag na ‘digital access card’ ang sinumang magpupunta sa Boracay.

Ibig sabihin nito, digital na ang sistema para makapasok at makalabas doon ang mga residente, manggagawa at turista.


Sabi pa ni Secretary Cimatu, gagamit na rin ng mga electric vehicle ang isla para sa hop on at hop off transportation sa main road.

Nabanggit din ng kalihim na ikakabit na sa ‘modular waste water treatment’ ang residential areas sa Boracay Island na hindi konektado sa common sewerage line.

Sa pamamagitan aniya nito ay matitiyak na hindi na magiging ‘unaccounted’ o mapapabayaan ang pagpapakawala ng mga residente ng maruming tubig sa isla na tinatayang umaabot sa dalawang milyong litro kada araw.

Facebook Comments