REOPENING | DENR, nagtatag ng task force para sa one-shop sa pagkuha ng business permit sa Boracay Island

Aklan – Sa harap ng muling pagbubukas ng Boracay Island, nagtatag ang DENR ng one-stop shop na mag-aasikaso sa pag proseso ng pag-iisyu ng business permits sa mga negosyante sa isla.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, isang task force ang kaniyang itinatag na aalalay sa mga business owners kaugnay ng muling pagbubukas ng pagnenegosyo sa Boracay sa October 26.

Gayunman, ayon kay Cimatu, hindi lahat ng mga negosyante ay papayagan na muling makapagbukas ng kanilang establisyimento.


Aniya, kinakailangan na makakuha muna ang mga business owners ng kinakailangang permits, licenses certifications.

Dahil kung hindi sila makatugon dito, mananatili silang sarado pagsapit ng pagtatapos ng six-month rehabilitation period ng isla.

Magugunita na isinara ang Boracay dahil sa basura at dumi na itinatapon dito mula sa mga business establishments at residential areas.

Facebook Comments