REOPENING | DENR, tiniyak na mahigpit na monitoring sa mga papasok at lalabas ng Boracay

Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magiging mahigpit sila sa pagbabantay sa kapasidad ng isla ng Boracay.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, gagamit sila ng digital access card para mabantayan ang bilang ng mga pumapasok at lumalabas na turista sa isla.

Base sa pag-aaral ng kagawaran, 19,215 ang carrying capacity ng Boracay.


Para naman mapanatili ang kalinisan sa isla ay gagamit ng eco-friendly vehicles sa mga pangunahing kalsada.

Higit 50 establisyimento naman ang nakatakdang magbukas sa October 26.

Facebook Comments