REOPENING | Mahigit 150 establisyimento, pinayagang mag-operate sa Boracay

Aklan – Aabot sa 152 na mga establisyimento ang pinayagan na mag-operate sa muling pagbubukas ng Boracay island sa October 26.

Ayon sa DENR, sumunod naman kasi sa kanilang regulasyon ang nasabing mga business establishment.

Kinumpirma ni DENR Undersecretary Jonas Leones na matapos alisin ang suspensyon ng environment compliance certificate ng mga ito ay maaari na silang magbukas sa October 15 kasabay ng dry run sa pagbubukas ng Boracay.


Paliwanag pa ni Leones, sa pamamagitan ng dry run ay magkakaroon sila ng pagkakataon na subukan ang mga pasilidad sa isla at magkaroon ng pagkakataon para mapabuti pa ang mga ito bago ang pormal na pagbubukas sa October 26.

Masusi ring imo-monitor ang pagpasok ng mga tao at paglimita sa mga turistang magtutungo sa lugar.

Una nang binigyan ng “go signal to operate” ng Department of Tourism (DOT) ang 68 mga establisyimento.

Ang Boracay island ay isinara noong April 26 para isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Facebook Comments