Inilabas na ng Department of Tourism (DOT) ang updated rules para sa reopening ng Boracay bukas, October 26.
Inisa-isa ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mga nakasaad sa guidelines na mahigpit na ipatutupad.
Kabilang na rito ang mga sumusunod:
– No compliance, no opening policy
– No booking, no entry policy
– 25+5 meters easement zone
– Pagsusulong ng green buildings
– Ipagbabawal ang casino sa isla
– Pagsunod sa mga lokal na ordinansa at environmental laws
– 19,215 persons per day ang carrying capacity
– Bawal ang mga malalakihang party
– Smoking at drinking ban
– Pag-ban sa open fires at paggamit ng kerosene o gas
Nabatid na isinara ang Boracay sa loob ng anim na buwan para bigyang daan ang restoration at rehabilitation nito.