Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na maaring maglabas ang Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order (EO) na magpapatupad ng ‘no casino’ policy sa Boracay.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra – sa pamamagitan ng EO, aatasan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para ipagbawal ang pag-iisyu ng lisensya para makapag-operate ang mga casino sa Boracay.
Kakanselahin din nito ang mga existing licenses.
Dagdag pa ni Guevarra – maaring pangunahan ng Boracay Inter-Agency Task Force sa pagbalangkas ng EO.
Ipinunto rin ng DOJ na ang EO ay dapat naglalaman ng mga probisyon na sumasakop sa investments na binayaran ng mga casino firms na may provisional licenses.
Facebook Comments