REOPENING | PNP, nakahanda na sa inaasahang paglobo ng bilang ng krimen sa Boracay

Aklan – Nakahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa inaasahang pagtaas muli ng bilang ng krimen sa Boracay, matapos itong buksan sa publiko nitong Biyernes, October 26.

Ayon kay Western Visayas Police Regional Office (PRO-6) Director, Chief Superintendent John Bulalacao – kapag dumami ang human activities sa lugar ay inaasahang tataas din ang crime incidents.

Kabilang sa mga kadalasang krimeng nangyayari sa Boracay ay physical injuries, qualified theft at reckless imprudence.


Sa ngayon, walang namo-monitor ang Western Visayas Police na anumang terror activities sa sinasakupan nitong lugar at tiniyak na hindi sila magpapakampante sa paglalatag ng seguridad.

Facebook Comments