Manila, Philippines – Hindi dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang soft opening ng Boracay ngayong araw.
Sa kanyang talumpati sa Manila Hotel kahapon, sinabi ng Pangulo na hindi siya mahilig na dumalo sa mga okasyon tulad ng muling pagbubukas ng isla.
Sa halip, pupunta aniya siya sa event ng isla para pangunahan ang pamamahagi ng lupa sa mga katutubo dahil mas importante ito.
Natutuwa din ang Pangulo na naibalik muli ang dating linis at sigla ng isla.
Pero umaasa si Pangulong Duterte na papanatilihin ng lokal na pamahalaan ang ganda ng isla.
Muli ring iginiit ng Pangulo na hindi siya pabor na i-convert ang buong Boracay bilang commercial land, ngunit handa naman ito na magbigay ng kahit kaunting piraso ng isla bilang bahagi ng turismo.
Facebook Comments