REOPENING | Scheduling system sa mga bangka sa Boracay, ipatutupad

Aklan – Magpapatupad ng scheduling system sa mga bangkang may rutang Caticlan-Boracay.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Sherwin Rigor, ito ay para matikay ang limitasyon sa bilang ng mga turista at manggagawang nasa isla.

Paliwanag ni Rigor, hindi naman nila babawasan ang byahe ng mga bangka pero aayusin lang ang schedule ng mga ito.


Ipagbabawal na rin aniya ang byahe ng mga ferry sa gabi at pagbabawalan rin ang pagsasayos ng mga bangka sa beach front para maiwasan mabuhusan ng langis o krudo ang dagat.

Facebook Comments