REOPENING | Tourist capacity ng Boracay, posibleng dagdagan

Aklan – Posibleng dagdagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang papayagang turista sa isla ng Boracay sa 2019.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, maaring taasan pa nila ang 19,000 turista kada araw na papayagang bumisita sa Boracay.

Aniya, ito ay matapos nilang matiyak na ligtas ng maligo sa Bulabog beach matapos ang anim na buwan na rehabilitation.


Nabatid na ang Bulabog beach ay sumikat matapos na maging sentro ng mga sea sports activities sa Boracay.

Facebook Comments