Aklan – Kasunod nang inaasahang muling pagbubukas ng Boracay island sa publiko bukas matapos ang 6 na buwang rehabilitasyon.
Magtutuloy-tuloy pa rin ang training at seminars para sa mga magsisilbing frontliners sa isla.
Kabilang sa mga isinailalim sa training mula Mayo hanggang Oktubre ay ang mga porters, receptionists, hotel and resort front office staff.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat apat hanggang limang batch pa ng seminar ang inihahanda para sa Filipino brand of service na pangangasiwaan naman ng office of industry manpower development ng DOT.
Ikinakasa na rin sa susunod na buwan ang pagsasanay para sa mga mabuhay hosts.
Nakapaloob sa libreng training ang promotion ng eco-friendly facilities, transportation and commodities; energy and waste management at water and biodiversity conservation.
Ginawa ito ng ahensya upang ma-experience ng mga turista ang “best services” sa kanilang pagbabakasyon sa isla ng Boracay.