Nagpatupad ng balasahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga ahensiya na naatasang magbantay sa maritime security ng Pilipinas.
Sa gitna pa rin ito ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa isyu ng agawan sa teritoryo.
Sa Executive Order No. 57 ng Pangulo, pinalitan ng National Maritime Council (NMC) ang National Coast Watch System (NCWS) na in charge sa pagbuo ng mga polisiya at istratehiya para matiyak na iisa at coordinated ang framework para sa maritime security ng Pilipinas.
Pamumunuan ng Executive Secretary ang NMC at bubuuin ng mga pinuno ng bawat departamento ng:
National Intelligence Coordinating Agency
National Security Council
Department of National Defense
Department of Agriculture
Department of Energy
Department of Environment and Natural Resources
Department of Foreign Affairs
Department of Finance
Department of the Interior and Local Government
Department of Justice
Department of Transportation
Office of the Solicitor General
Magsisilbi namang attached agency ang National Task Force for the West Philippine Sea na nakatalaga para maging iisa ang aksyon ng Pilipinas sa WPS.
Pamumunuan naman ng Presidential Assistant for Maritime Concerns ang Presidential Office for Maritime Concerns.
Ito ang magiging posisyon ni dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff kung saan siya ang direktang mag-uulat sa Pangulo ng mga kritikal at urgent matters kaugnay sa maritime security.