Manila, Philippines – Muling nagpatupad ang Korte Suprema ng reorganization sa tatlong divisions nito matapos maitalaga si bagong Chief Justice Teresita De Castro.
Ang First Division ay pamumunuan na ni De Castro kung saan kasama niya bilang miyembro sina Justices Mariano del Castillo, Francis Jardeleza at Noel Tijam habang si Justice Lucas Bersamin ang working chairman.
Ang Second Division naman ay pamumunuan ni Senior Associate Justice Antonio Carpio at mga miyembro naman sina Justices Estela Perlas Bernabe, Benjamin Alfredo Caguioa, Andres Reyes Jr., at Jose C. Reyes Jr.
Si Justice Diosdado Peralta naman ang chairman ng Third Division at miyembro sina Justices Marvic Leonen, Alexander Gesmundo, Andres B. Reyes Jr., at Jose C. Reyes Jr.
Ang dalawang Reyes ay swing justices para makumpleto ang miyembro ng limang mahistrado sa bawat dibisyon.
Sa ngayon ay 13 lang ang mahistrado sa 15-member court.
Ang dalawang posisyon ng associate justice ay nabakante dahil sa appointment ni De Castro bilang Chief Justice at Samuel Martires bilang Ombudsman.