REORGANIZATION | NFA at 2 pang ahensiya, inilipat na ang pangangasiwa sa Department of Agriculture

Manila, Philippines – Tuluyan nang ibinilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Agriculture (DA) ang pangangasiwa sa National Food Authority o NFA.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, ito ang napagdesisyunan sa isinagawang pulong kahapon ng Reorganized NFA council kahapon sa Malacanang.

Maliban sa NFA ay inilipat din sa pangangasiwa ng DA ang Philippine Coconut Authority at Fertilizer and Pesticides Authority.


Napagkasunduan din ng nasabing Council ang pag-iimport ng karagdagang 250 libong metric tons ng bigas sa pamamagitan ng Government to Government Importation pero wala pang eksakting impormasyon kung kailan ito darating sa bansa.

Inaprubahan din naman ang pagkalas ng Development Bank of the Philippines sa NFA Council at papalitan naman ito ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Facebook Comments