Hindi nagulat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa nangyaring pagpapalit ng pwesto sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Tinutukoy nito ang pagbaba bilang deputy speaker na lamang ni representative Gloria Macapagal Arroyo mula sa dating Senior Deputy Speaker, at ipinalit sa kanyang pwesto si Representative Aurelio Gonzales Jr.
Sa panayam ng pangulo sa Pagudpud, Ilocos Norte, sinabi nitong matagal-tagal din siya sa Kongreso at talagang nangyayari ang organisasyon.
Bukod dito ayon sa presidente ay prerogative ng lider ng Kongreso kung sino sa tingin nito ang mas gusto niyang ilagay sa pwesto.
Giit ng pangulo hindi kailangang bigyan pa ito ng malisya o ng espekulasyon dahil pangkaraniwan ang reorganization sa Kongreso.
Facebook Comments