Thursday, February 26, 2026

Rep. Adiong, iginiit na hindi mahina ang binubuong anti-political dynasty bill ng Kamara

Pumalag si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman at Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa mga nagsasabi na “weak” o mahina ang binubuong anti-political dynasty bill ng Kamara.

Pangunahin sa 24 na anti-political dynasty bill na nakahain sa Kamara ang House Bill number 6771 na nagbabawal sa second degree of consanguinity na sumasaklaw sa magulang, anak at asawa.

Ayon kay Adiong, may batayan ito dahil umiiral na rin ang kaparehong probisyon sa Sangguniang Kabataan Reform Act at sa Bangsamoro Electoral Code.

Diin pa ni Adiong, na nais nilang maging balanse ang panukalang batas at huwag maging masyadong extreme o kalabisan na magmumukhang parusa sa isang pamilya na may isang kaanak na nasa politika na.

Facebook Comments