
Umapela si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na itigil ang pag-iintriga at pagsasabotahe sa proseso para sa anti-political dynasty bill.
Una nang sinabi ni Adiong na matagal nang inihain ang mga panukalang tuldukan ang political dynasty at wala itong kinalaman o koneksyon sa anunsyo ni Vice President Sara Duterte na siya ay kakandidato sa pagkapangulo sa 2028 presidential race.
Diin naman ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores na walang batayan at hindi dapat isipin na may tinatarget na sinuman ang panukala, lalo’t lahat naman sila ay maaapektuhan nito dahil karamihan sa kanila ay mula sa political families.
Tiniyak din ni Flores na ang pagsasabatas sa anti political dynasty bill ay makakabuti sa bawat pamilyang pilpino.










