Rep. Alfredo Garbin Jr., nagbitiw bilang miyembro ng COA

Nagbitiw bilang miyembro ng Commission on Appointments (COA) si Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo Garbin Jr., at pinalitan siya ni Abono Party-list Rep. Robert Raymund Estrella.

Nilinaw naman ni Garbin na wala syang maling ginawa at ang kanyang hakbang ay hindi nag-ugat sa anumang disagreement, resentment, o political rift.

Diin pa ni Garbin, ang kaniyang pasya ay hindi pag-iwas sa kanyang mandato kundi pagpapa-igting ng kanyang pagtupad sa tungkulin bilang mambabatas na nagtataguyod ng pagiging patas, due process, at positibong pakikibahagi sa paggawa ng batas.

Nangako din si Garbin na patuloy nyang susuportahan ang lahat ng programa, mga panukalang batas at mga inisyatiba ng liderato ng Kamara at ang mayorya basta para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.

Samantala, itinalaga naman si Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores bilang Assistant Majority Leader kapalit ni Uswag Ilonggo Party-list Rep. James “Jojo” Ang.

Itinalaga rin bilang Assistant majority Leader si Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan.

Facebook Comments