Rep. Alvarez, posibleng matanggal sa pagiging reservist

 

Maaaring matanggal sa pagka-reserve force si Philippine Marine Corps Reserve Col. at Davao Del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad dahil na rin sa naging panawagan nito na i-withdraw na ng AFP at Philippine National Police ang suporta nila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ani Trinidad, mayroon ng mga na-de-list na miyembro ng reserve force dahil sa paglabag sa mga regulasyon ng AFP at sa umiiral na batas.


Aniya, ang breach of discipline o hindi pagsunod sa standards ng sandatahang lakas ay kabilang sa mga dahilan ng pagkakasibak ng maraming reservists.

Kasunod nito, siniguro ng AFP na walang VIP treatment o ang mga regulasyon para sa mga pangkaraniwang myiembro ng reserve force ang siyang paiiralin din sa mambabatas.

Una nang ipinag-utos ng Phil. Navy ang imbestigasyon sa insidente kung saan kanila nang hiningan ng paliwanag si Alvarez.

Facebook Comments