Rep. Andaya, dapat idaan nalang sa korte ang problema nito kay Sec. Diokno – Palasyo

Manila, Philippines – Hinamon ng Malacañang si Camarines Sur 1st District Representative Rolando Andaya na kasuhan si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno.

Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kasabay ng pagtangging may kinalaman ang Palasyo sa pagkakatanggal ni Andaya bilang House Majority leader.

Ayon kay Panelo – imbes na magpalaganap ng media propaganda war para siraan si Diokno, dapat magsampa na lamang ng kaso si Andaya sa korte laban sa kalihim.


Aniya, kung may problema si Andaya sa kasalukuyang budget secretary, nararapat lamang na idaan ito sa legal na paraan.

Nanindigan din ang Palasyo na hindi nanghihimasok ang executive branch sa mga kalakaran ng lehislatura.

Facebook Comments