Manila, Philippines – Umaasa si House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., na agad malalagdaan ni Pangulong Duterte ang 2019 proposed national budget.
Sa wakas aniya ay nagkasundo na silang mga mambabatas na magkaroon na ng bagong budget sa taon na ito.
Nakarating na rin sila sa finish line at natapos na ang sigalot sa budget at tanging pirma na lamang ng Pangulo ang hihintayin hanggang sa matapos ang linggong ito.
Nauna naman nang naghayag noon ang Kamara na papaburan nila sakali mang i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan sa mga kwestyunable sa pambansang pondo.
Sa panig naman ni Senate President Tito Sotto, pinirmahan niya ang 2019 budget na may ‘strong reservations’ at ipinauubaya sa presidente ang pag-veto sa ilang realignment sa pondo.