Rep. Antonio Tinio , personal na humiling sa ICI na imbestigahan ang aniya’y P4.44-B maanomalyang flood control projects sa Davao

Personal na nagtungo sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig City Rep. Antonio Tinio para hilingin sa ICI na imbestigahan ang ₱4.44-B na aniyay maanomalyang flood control projects sa Davao City.

Ayon kay Tinio, may hinala siya na nagkaroon ng overpricing sa ilang proyekto sa lugar noong 2019 hanggang 2022.

Inakusahan ni Tinio ang Genesis88 na aniya’y contractor ng naturang mga proyekto na malapit daw sa mga Duterte.

Facebook Comments