Rep. Arnan Panaligan, mariing itinanggi na may kinalaman sya sa kuwestiyunable at substandard na flood control projects sa Oriental Mindoro

Mariing itinanggi ni House Deputy Majority Leader at Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan ang ibinunyag ni Senator Panfilo Ping Lacson na siya ang nag-propose ng multi-milyong pisong palpak umanong flood control projects sa Naujan, Baco at iba pang munisipalidad sa kanyang lalawigan.

Giit ni Panaligan, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang proponent ng nabanggit na mga flood control projects at yun ay kasamang nakalista sa National Expenditure Program (NEP) na dumarating sa Kongreso mula a ehekutibo.

Diin ni Panaligan, hindi siya at wala siyang papel sa pagpapalista ng naturang mga proyekto na ang implementor ay walang iba kundi ang regional office ng DPWH kung saan wala ring papel ang mga kongresista.

Sabi pa ni Panalagan, eksklusibong awtoridad ng DPWH ang paggawa ng disensyo, plano, pag-award ng kontrata at pagbabayad ng contractor na hindi nya rin kilala.

Sa katunayan, sinabi ni Panaligan na minsan siyang nagmungkahi na baguhin at ilipat ang proyekto sa ibang bayan na binabaha rin pero hindi siya napagbigyan dahil yun daw ay identified ng DPWH.

Dagdag pa ni Panaligan, noong isang taon ay sumulat din sya kay DPWH secretary Manuel Bonoan para ire-assess at ire-evaluate ang programming ng mga proyektong dahil may mga nasirang flood control projects na bagong gawa lamang.

handa naman si Panalagian na kausapin si Senator Lacson para ipaliwanag ang kanyang panig dahil hindi patas na makaladkad sya sa kontobersyal na flood control projects na hindi sya ang proponent, hind sya ang nagsulong na mapondohan at wala syang kinalaman sa implementasyon.

Facebook Comments