Hiniling ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sila ay magkausap para maipaliwanag ang kanyang panig.
Ipinahatid ni Teves ang mensahe sa pangulo sa pamamagitan ng isang video na naka-post sa kanyang Facebook page.
Binanggit ni Teves na sobra-sobra ang respeto niya kay Pangulong Marcos at umaasa siyang mapagbibigyan ang hiling niya na sila ay magkausap.
Sabi pa ni Teves, malaki ang posibilidad na agad siyang uuwi ng Pilipinas kung sa pag-uusap nila ay hihilingin ito ni Pangulong Marcos na siyang may awtoridad para siya ay mabigyan ng proteksyon.
Nanindigan si Teves na totoong may banta sa kanyang buhay kaya siya ay hindi makabalik ng Pilipinas at sa katunayan ay Enero pa lang ng mabatid niyang may operasyon laban sa kaniya ang ilang tauhan ng gobyerno.