Tiniyak ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na hindi mananatili ang kaniyang pagnanais na ipaglaban ang sambayanang Pilipino.

Sinabi ito ni Barzaga sa harap ng rekomendasyon na alisin siya bilang kasapi ng Philippine Army Reserve Command dahil sa kanyang naging paghikayat sa mga sundalo at pulis na dumalo sa mga anti-corruption protests.

Kabilang dito ang post ng kongresista na nag-uudyok na makikiisa ang mga miyembro ng AFP, Philippine National Police (PNP), at mga reservist sa malawakang kilos-protesta noong September 21.

Si Barzaga, na may rangong “private” ay naging bahagi ng AFP reserve force nitong January 10, 2025.

Facebook Comments