
Handa si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na tanggapin sakaling magpasya ang Kamara na sya ay patalsikin bilang miyembro.
Pero kondisyon ni Barzaga, dapat ay alisin din bilang miyembro ng house of representatives ang mga sangkot sa maanumalyang flood control projects.
Pahayag ito ni Barzaga sa harap ng plano ng National Unity Party o NUP na maghain ng panibagong reklamo sa house committee on ethics and privileges laban sa kanya.
Ayon kay House Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno na sya ring chairman ng NUP, hihilingin nila ang tuluyang expulsion ni Barzaga sa Kamara.
Bilang ganti ay sinabi naman ni Barzaga na mukhang inaakala ni puno na malaki ang ambag nya sa Pilipinas.
Subalit diin ni Barzaga, marami syang kilalang mga Sangguniang Kabataan o SK na mas marami pang natulungan kumpara kay puno.










