
Iginiit ni Cavite 4th District Representative Francisco Kiko Barzaga na hindi totoo ang sinabi ni House Deputy Speaker Rep. Ronaldo Puno na ‘unwell’ sya batay sa kanyang ikinikilos bilang miyembro ng Kamara.
Ayon kay Barzaga, nirerespeto nya si Puno pero hindi naman ito isang mental health professional kaya mali ang sinasabi nito ukol sa estado ng kanyang pag-iisip.
Binigyang-diin ni Barzaga na walang diagnosis na siya ay mayroong seryosong mental condition para hindi niya magampanan ang pagsi-serbisyo sa publiko.
Handa naman si Barzaga na isumite ang kanyang medical records sakaling iutos ito ng korte kung may magkuwestyon sa kanyang katinuan at kakayahan na paglingkuran ng maayos ang mamamayan sa kanyang distrito.
Facebook Comments









