
Naniniwala si Cavite Rep. Kiko Barzaga na natatakot sa kanya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaya siya sinampahan ng mga reklamong Inciting to Sedition at Inciting to Rebellion.
Sa kanyang Facebook page, ipinost din ni Barzaga ang kopya ng subpoena mula sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City.
Pinahaharap si Barzaga sa darating na Nobyembre 18 at 25, alas-3:00 ng hapon, para sa preliminary investigation ng mga nabanggit na reklamo, at pinagsusumite rin siya ng counter-affidavit.
Nakasaad sa dokumento na ang naghain ng reklamo kay Barzaga ay si Police Capt. Aaron Blanco mula sa Criminal Investigation and Detection Group–Major Crimes Investigation Unit ng Philippine National Police.
Facebook Comments









