
Walang plano si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na sumipot sa pagdinig na gagawin ng house committee on ethics and privileges kaugnay sa mga ethics complaint laban sa kanya.
Mensahe ito ni Barzaga makaraang ihayag ni 4Ps Party-list Rep. Jc Abalos na syang chairman ng komite na padadalhan na nila si Barzaga ng imbitasyon para humarap sa pagdinig na plano nilang gawin sa susunod na linggo.
Ang hakbang ng komite ay makaraang isulong ng ilang kongresista na palawigin pa ang parusa kay Barzaga na ngayon ay suspendido ng 60-araw.
Pero si Barzaga, walang paki kung tuluyan syang patalsikin bilang miyembro ng Kamara.
Diin ni Barzaga, walang nagawa ang kongreso kundi sirain umano ang buhay ng mamamayang Pilipino.
Facebook Comments










