Rep. Castro at Satur Ocampo, iginiit na hindi sila guilty sa kasong child abuse

Pumalag sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at former Bayan Muna Rep. Satur Ocampo sa desisyon ng Davao del Norte Regional Trial Court Branch 2 na nagpataw sa kanila ng hatol na guilty sa kasong child abuse.

Isinampa ang kaso noong 2018 na nag-ugat sa umano’y paglagay sa panganib sa ilang kabataan sa Talaingod, Davao del Norte.

Giit nina Castro at Ocampo, mali ang akusasyon sa kanila dahil ang totoo ay sila ang tumulong sa nababggit na mga Lumad children laban sa pag-atake sa kanilang mga paaralan at komunidad.


Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Carlos Montemayor, iaapela nila ang hatol ng korte.

Facebook Comments